Anak ni Isabel idinaan sa kanta ang pagkawala ng ina
Nakakaiyak ang pinost na video ng ex-husband ni Isabel Granada na si Jericho Aguas aka Geryk Genasky kahapon sa Facebook account nito. Sa short video ay makikita ang 14-year-old son nila ni Isabel na si Hubert na kumakanta ng See You Again ni Charlie Puth. Part of the song which Hubert sang went like, “carry on, carry on. Give me all the strength I need to carry on. So let the light guide your way, hold every memory as you go. And every road you take will always lead you home, home.” Tulad ng kanyang ina, maganda rin ang boses ni Hubert at pwedeng-pwedeng maging singer kaya hindi kami magtataka if one of these days ay makita na natin siya sa industriyang kinalakihan ng mommy niya. Samantala, nakauwi na sina Jericho and Hubert sa bansa kasama ang ina ni Isabel na si Mommy Guapa. Dumating sila last Sunday night habang naiwan pa sa Doha, Qatar ang labi ni Isa kung saan ito binawian ng buhay. Ayon kay Jericho, kinailangan na nilang umuwi para asikasuhin naman dito sa Pilipi