Lalaking halos 3 taong tumira sa puno, nakababa na



Lalaking halos 3 taong tumira sa puno, nakababa na

Nakababa na ang 47-anyos na lalaking halos tatlong taong nanirahan sa tuktok ng isang puno ng niyog sa La Paz, Agusan del Sur.

Nagtulong-tulong ang mga tauhan ng lokal na pamahalaan ng La Paz sa isinagawang operasyon upang masagip si alyas "Mario."



Pinutol rin ang puno na kaniyang tinirahan, na may taas na 60 talampakan.





Pasado alas-4 ng hapon nang maibaba nang ligtas si Mario, na agad dinala sa La Paz District Hospital upang magpatingin.

Disyembre 2014 nang iwan ni Mario ang kaniyang mga kapatid, ina at dalawang anak upang manirahan sa puno





May ilan nang nagtangkang akyatin si Mario upang hikayating bumaba subalit bigo ang mga ito dahil may bitbit itong itak.



Ayon sa isang social worker sa La Paz, babantayan si Mario sa ospital ng kaniyang pamilya at lilipat umano sa pulisya pagkatapos suriin ng doktor.
Hindi pa malinaw ang dahilan kung bakit ililipat sa pulisya si Mario matapos magpagamot.

Balak din ng lokal na pamahalaan ng La Paz na ipasuri si Mario sa isang psychiatrist.

Hindi pangkarinawan ang napiling tirahan ng isang lalaki sa bayan ng La Paz sa Agusan del Sur.

Halos tatlong taon na kasing hindi bumababa ang 47-anyos na lalaki mula sa tuktok ng isang 60 talampakang puno ng niyog.

Disyembre 2014 nang iwan ni alyas "Mario" ang kaniyang pitong kapatid, ina, at dalawang anak upang manirahan sa puno.

Walang hagdan o bubong ang tirahan ni Mario. Umaasa lamang siya sa lilim ng mga dahon upang makaiwas sa init ng araw.

Kapansin-pansin din ang ilang damit na nakasabit mula sa puno.

May ilan nang nagtangkang akyatin si Mario upang hikayatin na bumaba subalit bigo ang mga ito dahil kusang umaayaw ang lalaki.

Sa katunayan, may dala pang patalim si Mario para itaboy ang sinumang magtatangkang "sagipin" siya.

Maging ang kaniyang ina, hindi siya magawang pababain.



Katuwang ni Mario ang ina sa kaniyang pamumuhay sa puno.

Dinadalhan nito ng pagkain, inumin at iba pang kagamitan ang lalaki kada araw.
Binabalot ng kaniyang ina ng cellophane pouch ang mga ibinibigay sa anak at itinatali sa lubid na nakasabit sa puno para hatakin paakyat.

Panganay si Mario sa walong magkakapatid.

Namatay ang kaniyang asawa noong 2000 matapos ipanganak ang kanilang ikalawang anak.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

The story of the lost city of Biringan in Samar Island and a lady named Carolina

8 of the Most Wanted Criminals in Philippine History

Rest In Peace Isabelle Granada , Ex Husband Confirmed